TAPATAN | Donnie Nietes, target pabagsakin ang makakaharap na Japanese boxer

Target ngayon ni Donnie “Ahas” Nietes na pabagsakin ang makakalaban na Japanese boxer na si Kazuto Loka.

Nabatid kasi na paglalabanan ng dalawa ang bakanteng WBO Junior Bantamweight Title sa December 31 na isasagawa sa WYNN Palace Resort sa Macau, China.

Matatandaan na huling sumabak sa boxing ring si Nietes noong September kung saan nakaharap nito ang kapwa Pinoy boxer na si Aston Palicte pero nauwi sa draw ang laban.


Hawak ni Nietes ang record na 41-wins, 1 loss at 5 draw habang mayroong 23-wins, 1-loss na may 13 13 knockouts si Loka.

Facebook Comments