TAPATAN | Laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kontra kay Argentinian Boxer Lucas Mathysse, laban din ng buong bansa

125

Manila, Philippines – Ang laban ng isa ay laban ng buong bansa.

Ganito sinimulan ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang kanyang mensahe para kay Senador Manny Pacquiao na nakatakdang makipagbakbakan bukas sa Kuala Lumpur Malaysia laban kay Argentinian Boxer Lucas Matthysse.

Ayon kay Go, ang laban ni Manny ay laging laban din ng bansa dahil ipinapakita nito sa buong mundo na ang mga Pilipino ay hindi lang sa boxing ring lumalaban kundi pati na rin sa buhay.

Paliwanag ni Manny isang inspirasyon si Manny ng maraming Pilipino dahil mula sa kahirapan ay naiangat nito ang kanyang sarili at pamilya dahil sa pagmamahal sa boxing at dahil sa natamong karangalan ay nakatulong pa ito sa mga kababayan.

Kaya naman isang good luck ang ipinaabot ni Go kay Pacman sa kanyang laban bukas at sana aniya ay ipakita ni Pacman ang isang magandang laban para sa mga Pilipino.

Matatandaang mismong si Pangulong Duterte ay manunuod sa laban ni Pacquiao sa Malaysia bukas.

Matapos naman ang laban ni Pacquiao ay makikipagpulong ang Pangulo kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad sa July 16.

Facebook Comments