TAPATANG GO-TRILLANES | SAP Bong Go, naghamon ng one-on-one kay Sen. Antonio Trillanes

58

Manila, Philippines – Hinamon ni Special Assistant to the President Secretary Christopher Bong Go si Senador Antonio Trillanes na mag-one on one na lamang sila.

Ito ay ang tugon ni Go sa pahayag ni Trillanes na nagda-drama lang siya at Davao City Mayor Sara Duterte na hindi sila tatakbo sa 2019 election.

Ayon kay Go, hindi niya mapipigilan ang kanyang mga followers na magkabit ng kanyang mga posters sa Edsa at iba pang lugar sa bansa.

Pabiro pang sabi ni Go na pakikiusapan niya ang kanyang mga supporters na isama sa kanyang larawan si Trillanes para hindi na ito mainggit.

Giit ni Go, hindi niya uurungan sa kahit na anong “one-on-one” si Trillanes dahil nagsasawa na siya sa mga banat nito at mga alegasyon.

Bahala narin aniya si Trillanes na magsabi kung kailan at kung saan basta pupunta nalang siya doon.

Facebook Comments