TAPATANG PACQUIAO – MATTHYSSE | Kampo ni Manny Pacquiao, nag-iisip ng bagong strategy para sa laban nito kontra sa Argentinian boxer na si Lucas Matthysse

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ngayon ng kampo ni Manny Pacquiao ang panibagong strategy para sa magiging laban nito kontra Argentinian Boxer Lucas Matthysse.

Ayon sa kampo ng Pambansang Kamao, magsisimula na ang light training ni Pacman at tutukan ni head coach Buboy Fernandez ang lakas ng katawan.

Advantage daw kasi kay Pacquiao ang pagkakaron nito ng lakas at bilis samantalang may lakas subalit walang speed ang makakalaban nito.


Pero hindi sila magkukumpiyansa at pag-aaralan ng husto ang istilo ng Argentinian boxer.

Sa Abril 18, lilipad si Pacquiao sa Malaysia para sa press tour sa faceoff nila ni Matthysse sa Hulyo.

Facebook Comments