TAPATANG PACQUIAO-MATTHYSSE | Resulta ng July bout nina Pacquiao at Matthysse, magiging basehan raw kung magreretiro na sa boxing ang Pinoy champ

48

Manila, Philippines – Posibleng maging basehan ng pagreretiro ni Manny Pacquiao sa boxing ang magiging resulta ng July bout nila ni Lucas Matthysse ng Argentina.

Pero paglilinaw ng fighting senator, hindi niya sinabi na iyon na ang huling laban niya pero basehan lang daw kung itutuloy pa rin niya ang karera niya sa boxing.

Hindi naman daw siya nag-aalala sa pagiging aggressive fighter ni Matthysse pero aminadong naghahabol siya para 100 percent na mai-kondisyon ang kanyang katawan.

Nabatid na dalawang linggong mas maaga ang naging training ni Pacquiao para paghandaan ang laban.

Facebook Comments