Target ng mga bakunadong Pilipino para sa buwan ng Oktubre naabot na ng gobyerno

46

Ibinida ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., na nalagpasan na ng bansa ang target nitong bilang ng mga bakunadong Pilipino bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Ayon kay Galvez, may walong araw pa ang natitira sa buwan ng Oktubre pero pumalo na ng 25 million ang Pinoy na kumpletong nabakunahan kung saan ito rin ang target na numero sa katapusan ng buwan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Galvez sa mga vaccinators at lahat ng healthcare workers dahil sa pagsisikap ng mga ito na maabot ang nasabing target.


Samantala, tiniyak ni Galvez na kumpiyansa siya na aabot sa 100 million doses ang total na bakunang matatanggap ng Pilipinas hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Sa kasalukuyan nasa 93 million doses na ang nai-deliver sa bansa.

Facebook Comments