Target sa search operation ng PNP sa Sarangani patay matapos nanlaban

11

General Santos City—Patay matapos nanlaban sa pulisya ang isang target sa search Warrant operation na inilusad ng operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), Sarangani Provincial Police Office at Malungon Municipal Police Station sa bayan ng Malungon, Sarangani Province kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Greggy Agos, nasa hustong edad, residente ng Sitio Pulotana, Barangay Malandag, Malungon, Sarangani Province.

Sa impormasyon ipinaabot ng Sarangani Police Provincial Office sa RMN General Santos napag-alaman na i-served lang sana ng pulisya ang search warrant laban sa suspek hinggil sa illegal drugs at baril.

Pero nang nakatunog ang suspek sa presensya ng pulisya, kumuha ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis, na naging dahilan na gumanti ng putok ang pulisya kung saan natamaan ang suspek sa magkaibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad naman itong dinala sa Malungon Municipal Hospital pero ideneklara itong dead on arrival.

Nakuha mula sa bahay nga suspek ang ginamit nitong baril, mga bala at tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu. Napag-alaman na lumabas ang pangalan ni Agos na isa sa mga involved sa illegal drugs sa bayan ng Malungon kaya ito isinailalim sa search operation.

Facebook Comments