Tarlac cop Jonel Nuezca, naghain ng not guilty plea sa kasong murder

156

Naghain ng not guilty plea sa kasong murder si Jonel Nuezca, ang pulis na nakuhanan ng video ng pamamaril at pagpatay sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre.

Sa ulat na inilabas ni Police Regional Office 3 Director Valeriano De Leon, naghain si Nuezca ng not guilty plea sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Rolando Gragasin ng Public Attorney’s Office (PAO)-Paniqui sa isinagawang arraignment at pre-trial noong Huwebes, January 7.


Si Nuezca ay nahaharap sa double murder case.

Isasagawa ang sunod na hearing sa February 4, 2021 kung saan inaasahang makakadalo na si Nuezca.

Facebook Comments