TASK FORCE ANTI-LITTERING AT TASK FORCE STREET VULNERABLE NG DAGUPAN CITY, MULING NAGSAGAWA NG RESCUE OPERATION SA MGA ‘BADJAO’ AT NAMAMALIMOS SA LUNGSOD

20
Nagsagawa ang sanib pwersang Task Force Anti-Littering o TFAL Magsaysay at Task Force Street Vulnerable sa Lungsod ng Dagupan ng pagsagip at pagtulong sa mga street vulnerable o mga indibidwal na palaboy-laboy lamang sa iba’t-ibang lugar sa lungsod.
Sila ay hinihikayat ng mga awtoridad na pahintulutan silang madala ang mga nasabing indibidwal sa CSWD o City Social Worker na siya namang nangangakong mag aaruga at tutulong sakanila na makabalik sa kani-kanilang pamilya o tirahan.
Samantala ang mga ‘badjao’ naman na namamalimos at sumasampa sa mga jeep ay kanila ring na-rescue at inilagay pangangalaga ng CSWD.

Layunin ng kanilang pagsasanib pwersa na mailayo ang mga indibidwal katulad ng mga ‘badjao’ at mga namamalimos na sila ay mailayo sa anumang kapahamakan.
Facebook Comments