Bumuo na ng Task Force Kontra Langaw ang bayan ng Manaoag upang matugunan ang problemang langaw na kadalasang inirereklamo ng mga residente sa bayan.
Kinabibilangan ito ng mga kawani mula sa Municipal Environment and Natural Resources (MENRO), MDRRMO, Municipal Agriculture Office, Sanitation Office, Manaoag PNP at iba pa.
Aasahan ang pagsasagawa ng mga inspeksyon sa mga poultry farms o mga lugar na posibleng pinagmumulan ng langaw.
Samantala, nag-umpisa nang suyurin ng grupo ang unang limang poultry farms sa bayan, at iginiit ang wastong sanitation protocols ang mga nag-ooperate. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments