TATAAS │Sahod ng mga kasambahay sa NCR, madadagdagan

312

Manila, Philippines – Madadagdagan ng P1,000 ang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region (NCR).

Sa wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board NCR, tataas ng P3,500 ang buwanang suweldo ng mga “kasambahay” sa Metro Manila mula sa kasalukuyang P2,500.


Ito’y batay sa isinagawang review at evaluation ng socio – economic conditions, public consultations at deliberation ng board lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Saklaw ng bagong wage order ang lahat ng domestic workers kahit naninirahan o hindi sa kanilang mga employer.

Facebook Comments