TATAKAS SANA | Isang lalaki, patay matapos tumalon sa ilog

96

Camarines Sur – Sa kagustuhan makatakas sa mga pulis na nang-raid sa iligal na sabungan sa Barangay Umbao, Bula, Camarines Sur patay na nang matagpuan ang isang lalaki na tumalon sa ilog. Kinilala ang lalaki na si Jericho Balmores, residente ng Barangay Baliwag, Minalabac. Sa ulat, dumayo pa si Balmores sa bayan ng Bula upang magsabong ngunit hindi nito inaasahan na magkakaroon ng operasyon ang mga pulis sa lugar. Dahil sa takot na mahuli, tumalon ang biktima sa ilog pero hindi ito marunong lumangoy kaya at nalunod.

Facebook Comments