TATAPYASAN | PRRD, mag-iisyu ng EO na nagtatakda ng zero tariff sa imported agricultural products

Manila, Philippines – Mag-iisyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order (E.O.) Na nagtatakda ng zero tariff sa ilang agricultural products para maibsan ang food inflation.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernestio Pernia, tatapyasan nito ang taripa sa mga inaangkat na isda, mais, gulay, manok at trigo habang papatawan naman ng taripa ang bigas.

Hindi isasama sa zero tariff ang mga imported meat.


Aniya, magsasagawa sila ng public consultation bukas, August 10.

Facebook Comments