TATAPYASAN | Rollback sa presyo ng petrolyo, ipinatupad

39

Manila, Philippines – Sa kabila ng sunod-sunod na pagtaaas ng presyo, sa wakas nagkaroon na din ng rollback sa mga produktong petrolyo.

Unang-una sa pagpapatupad ng rollback ay ang Phoenix Petroleum Philippines.

Epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw, P0.80 ang bawas nito sa kada litro ng kanilang gasolina, habang P0.60 ang bawas sa kada litro ng diesel.

Ang price adjustment ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng imported na petrolyo.

Matatandaang siyam na linggong nagkaroon ng oil price increases.

Inaasahan naman na mag-aanunsyo rin ng price rollback ang iba pang oil companies.

Facebook Comments