TATAPYASAN | Singil sa kuryente, may bawas singil ngayong buwan

17

Manila, Philippines – Asahan na ang bawas singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, bunsod ito ng pagmura ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na isa sa pinagkukuhanan nila ng supply.

Maliban rito, sabi pa ni Zaldarriaga, na asahan rin ang mababang singil sa kuryente sa Enero at Pebrero ng susunod na taon bunsod ng pagsadsad ng presyo ng langis nitong mga nagdaang buwan.

Facebook Comments