Tatay sa US, patay matapos masagasaan ng anak habang nag-aaral magmaneho ng truck

512
(Unsplash)

Nasawi ang isang tatay mula Florida, US matapos aksidenteng masagasaan ng kanyang 15-anyos na anak habang nag-aaral itong magmaneho ng truck.

Nangyari ang insidente sa isang park sa Tarpon Springs bandang 5:30 ng hapon ng Martes.


Sa report ng awtoridad, nakatayo noon sa harap ng 2017 Ford F-150 ang hindi pinangalanang biktima habang pinanonood ang anak na sinusubukang i-park ang sasakyan.

Maya-maya pa’y aksidente umanong napindot ng anak ang “acceletator” ng sasakyan.

Bigla raw umandar ng mabilis ang truck at agad nabangga ang biktima saka tumama sa isang kalapit na puno.

Idineklarang patay ang tatay makalipas lang ang ilang sandali.




Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyari.

Facebook Comments