Tatay, tinutukan ng baril ang 9-anyos anak matapos inumin ang huling soft drink sa bahay

1091

Arestado ang isang tatay matapos umanong tutukan ng kargadong baril ang 9-anyos na anak na lalaking uminom ng natitirang soft drink sa kanilang bahay sa Louisiana, US.


Nakainom ng alak ang suspek na si Chad Kinnaird, 39, nang mangyari ang insidente noong Disyembre 28, 2019, ayon sa ulat ng WWL-TV News.

Naghain ng reklamo sa pulisya ang nanay ng bata, dahilan para dakpin si Kinnaird noong New Year’s Day.

Sinabi ng bata sa mga imbestigador na nagalit sa kanya ang kanyang tatay nang inumin niya ang huling lata ng Dr. Pepper sa kanilang bahay.

Itinanggi ng suspek ang akusasyon, ngunit nadiskubre sa loob ng bahay ang .32 calibre handgun.

Sinabi rin ng 11-anyos anak na babae ng suspek na umamin ang tatay na tinakot ng baril ang kanyang nakababatang kapatid.

Nahaharap si Kinnaird sa reklamong domestic abuse at child endangerment na may kaukulang piyansang $125,000 (higit P6 milyon).




Facebook Comments