TATLO ARESTADO DAHIL SA ILIGAL NA SUGAL

23

Makato, Aklan — Arestado ang tatlong persona matapos maaktuhang naglalaro ng tong-its kahapon mga 5:15 ng hapon sa Sitio Hagakhak ,Brgy. Bay-bay, Makato, Aklan.
Nakilala ang mga suspek na sina Jemina Biason Y Agagdang, 21 anyos, Allen Undang Y Cadano, 28 anyos at Zaldy Acutillar Y. Bereber, 52 anyos na pawang residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ng Makato PNP, naaktuhang nagtotong its ang mga ito sa isang lamesa sa bakanteng lote malapit mismo sa bahay ni Undang.
Nakompiska naman ng mga otoridad sa mga ito ang isang set ng baraha at P694 na pera bilang taya.
Agad namang dinala sa presinto ang mga ito at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Law sa Aklan Prosecutors Office.

Facebook Comments