Tatlo arestado, matapos mahulihan ng P340K na halaga ng shabu

84

Kalaboso ang tatlong drug suspects matapos makumpiska sa kanila ang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District Director Brigadier General Ronnie Montejo ang mga naaresto na sina Maria Aurea Marcelo, 52 anyos, Arisa Carla Oblifias, 18, kapwa residente ng Barangay Krus na Ligas at Ralph Reyes, 48, ng Pasay City.


Nagkasa ng buy-bust operation ang operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Anonas Police Station (PS9) matapos makatanggap ng tip sa transaksyon ng mga suspek.

Naaresto ang tatlo sa harap ng isang restaurant sa Maginhawa St., Barangay. Teacher’s Village East, Quezon City.

Nakuha din sa kanila ang siyam na sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 grams, isang blue pouch, dalawang cellular phones, at green Yamaha Mio sport motorcycle na gamit nila sa transaksyon.

Facebook Comments