Tatlo, arestado sa ilegal na droga sa Tondo, Manila

28

Kalaboso ang tatlong magkakaibigan nang masakote sa ikinasang drug buy-bust operation sa Eduque St., Brgy. 130, Tondo, Manila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Ray John Angeles, John Freley Macaraig at Dale Abalos na pawang mga miyembro ng Sputnik Gang.


Nabatid na ikinasa ng Manila Police District – Raxabago Station 1 ang operasyon dahil sa tip na natanggap nila na talamak ang nagbebenta ng ilegal na droga ang tatlo sa kanilang barangay.

Nakuha sa kanilang pag-iignat ang tatlong sachet ng shabu na may bigat na sampung gramo at nagkakahalaga ng ₱68,000.

Napag-alaman pa na ang naarestong suspek na si Angeles ang number 5 sa listahan ng Top 10 drug personalities sa Tondo, Manila.

Facebook Comments