Tatlo, arestado sa iligal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Maynila

52
Handcuffs

Tatlong katao ang nasakote ng pulisya dahil sa iligal na sugal sa Sta. Ana at Sta. Cruz sa Maynila.

Unang nadakip dahil sa paglalaro ng kara-krus si Rodolfo Dolor Jr. at isang menor de edad na lalaki sa may bahagi ng Sampaguita Street sa Sta. Ana kung saan nakuha sa kanila ang P300.00 na perang pantaya at tatlong piso na ginagamit sa sugal.


Nabatid na natyempuhan lamang ang dalawa ng rumorondang mga pulis kaya’t hindi na sila nakatakbo pa.

Nasakote naman ang isang 30-anyos na babae makaraang gawing iligal na sugal ang EZ-2 ng PCSO sa may kanto ng Recto Avenue at Oroquieta Street.

Nakilala ang naaresto na si Michelle Melgahiro na residente ng Lope De Vega Street sa Sta. Cruz, maynila kung saan nakuha sa kaniya perang itinaya ng kaniyang mga parokyano kasama na ang papel na listahan ng mga numero.

Aminado ang suspek na mala-jueteng ang diskarte nito sa EZ-2 at nagawa lamang daw ito dahil sa hirap makahanap ng disenteng trabaho.

Facebook Comments