Tatlo, arestado sa iligal na sugal sa Maynila

Kalaboso ang tatlong lalaki matapos masakote habang nagsusugal sa Malate, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Junel Agasang, David Delos Santos at Orlando Viloria.

Nabatid na isang concerned citizen ang nagsumbong sa mga pulis hinggil sa pagsusugal ng tatlo sa may bahagi ng Maria Orosa kanto ng Remedios Street.


Agad na nagtungo ang mga tauhan ng Ermita Police Station 9 o ang Malate Police sa nabanggit na lugar kung saan nakatakbo ang tatlo dahil sa nakapag-warning ang kanilang lookout.

Kinumpiska na lang ng mga awtoridad ang gamit ng tatlo na isang set ng baraha kasama na ang perang pang-taya na aabot sa ₱65.

Nasakote rin naman agad ang tatlong sugarol dahil na rin sa tulong ng informant ng Malate Police na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling).

Facebook Comments