Tatlo kabilang ang drug lord ng Isabela, patay sa police operation sa Quezon City

99

Manila, Philippines – Patay ang tatlong lalaki kabilang ang isang hinihinalang drug lord nang manlaban habang naghahain ng search warrant ang pulisya sa isang bahay sa barangay Pag-Asa Quezon City.

Kinilala ang mga napatay na sina Johnny de Leon na itinuturing high value target ng Santiago City, Isabela., Arnold Criste at isang lalaking hindi pa kilala.

Narekober sa bahay ng mga suspek ang tatlong baril, anim na sachet ng hinihinalang shabu pati ang passbook na naglalaman ng milyu-milyong pisong transaction detail.

Batay sa imbestigasyon, higit isang dekada nang nagsusuplay ng droga si de Leon sa Isabela, Quirino, Nueva Viscaya at Cagayan.

Magsasagawa ng follow-operation ang awtoridad para matukoy ang iba pang konektado kay de Leon.

Facebook Comments