Tatlo katao, arestado sa Pasay City matapos makuha sa kanila ang malaking halaga ng marijuana

89

Arestado ng Pasay City Police ang tatlo katao kabilang ang isang babaeng drug suspect matapos makuhanan ng pinatuyong Marijuana sa buy-bust operation sa Maricaban, Pasay City.

Nagkakahalaga ng ₱242,880.00 ang nabawi ng mga otoridad sa mga suspek na sina Robert Esidera alyas “Obet” 21 anyos; Franchez Dotimas alyas “Che” 25 anyos, at Arnold Senica Jr. 25 anyos ng Pingkian 1 St. Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.


Base sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), si Esidera ay kilalang tulak sa lugar at sa kanya bumili ang poseur-buyer sa suspek ng halagang ₱500 ng marijuana

Nang magpositibo, agad sinalakay ng mga awtoridad at nakumpiska ang kabuuang 2,024 gramo ng marijuana.

Ang mga suspek ay nakakulong na sa Pasay City Police detention cell.

Facebook Comments