Tatlo katao, timbog sa iligal na droga sa Las Piñas

Tatlong tao ang naaresto kabilang na ang isang target ng search warrant ng mga otoridad sa Las Piñas City.

Sinalakay ng pulisya ang bahay ni Ariel Capili Rivera sa number 881 Atis St. Las Piñas City sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Judge Lorna Domingo, RTC Br 201 ng Las Piñas.

Nakuha ng mga otoridad mula sa suspek ang limang plastic sachet na may lamang hinihanalang shabu.


Bukod sa suspek arestado rin sa nasabing operasyon sina Marivic De Guzman Rosero at Antonio Umali Rivera.

Hinahanda ng Las Piñas City Police ang reklamo na isasampa laban sa mga suspek.
Nation

Facebook Comments