Tatlo katao, timbog sa Oplan Galugad sa Pateros

Manila, Philippines – Natimbog ang tatlo katao matapos ang ikinasang Oplan Galugad ng pulisya sa bayan ng Pateros.

Kinilala ni Police Sr. Insp. Jerven Galvez ng Pateros PNP ang mga suspek na sina Dennis dela Pena, Joey Macamay at Ken Dela Pena, kapwa residente ng Brgy. Sta. Ana ng naturang lungsod.

Sinasabing nakatanggap ng tawag ang mga otoridad hinggil sa laganap na kalakalan ng iligal na droga sa Sitio Masagana, Brgy. Sta. Ana kaya’t isinagawa ang operasyon dahilan upang maaresto ang mga ito.


Nasamsam mula sa tatlong drug suspect ang limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakatakdang isampa sa piskalya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments