Tatlo patay, lima sugatan sa sunog sumiklab sa ilang palapag ng high rise building sa Honolulu, Hawaii

37

Hawaii – Tatlo ang patay habang lima ang sugatan kabilang ang isang bumbero matapos masunog ang ilang palapag ng isang 36-storey condominium tower sa Honolulu, Hawaii.

Nagsimula ang sunog sa ika-26 na palapag ng Marco Polo high rise building na nirespondehan ng nasa 100 firefighters dahil sa hirap ng pag-apula sa apoy.

Limang oras naman ang lumipas bago ideklarag fire under control na ang naganap na sunog.

Ayon sa mga awtoridad, nakita ang katawan ng dalawang babae at isang lalaki sa dalawang apartment sa palapag na pinagmulan ng sunog.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang tunay na pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments