Tatlo patay matapos pagbabarilin sa Cotabato City

Bulagta ang tatlo katao habang isa naman ang sugatan matapos silang pagbabarilin dakong 10:20 ng umaga noong sabado sa Tulingan street barangay Bagua Dos Cot.City. Kinilala ang nasawi na sina Macmod Gampong 35 anyos, Perboy Karban 40 anyos, pawang mga BPAT member at Norsair Salik isang taon at limang buwang gulang…Sugatan si Toto Salik na naisugod sa CRMC hospital.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng Cotabato City Police Office, sakay ang mga biktima ng Payong-payong ng pagbabarilin ng riding in tandems criminals..Narecover sa crime scene ang mga basyo ng caliber 45 pistol at 9mm.
Inaalam pa ngayon ng kapulisan kung sino ang mga salarin at kung anu ang motibo sa krimen.

Facebook Comments