Tatlo, patay nang masagi ng truck ang kanilang motorsiklo sa Leyte

Manila, Philippines – Patay ang tatlong mga teenager matapos na masagi ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang 10-wheeler truck sa baranggay Naghalin, Kangga, Leyte.

Dead on the spot ang mga biktima na sina James Kenneth Costillos Sollano, driver ng motorsiklo, 18-anyos, back riders na sina si Albis Rosales at Felipe Tapar, pawang mga residente ng baranggay Naghalin Kanangga, Leyte

Ayon kay Police Senior Supt. Norberto Tuazon, hepe ng Leyte Police Provincial Office, nasagi ng 10 wheeler truck na galing Tacloban ang sinasakyang motorsiklo ng tatlong binatilyo nang magcounter flow ang mga ito.


Nabatid na pawang mga walang mga suot na mga helmet.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kangga PNP ang driver ng truck na si Benjie Jabilles, 21-anyos.

Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide.

DZXL558

Facebook Comments