Tatlo, patay sa magkasunod na pagsabog sa Indonesia

World – Patay ang tatlong pulis habang sampu ang sugatan sa magkasunod na suicide bombing sa Kampung Melayu bus terminal sa Jakarta, Indonesia.

Ayon kay National Police Spokesman Setyo Wasisto, batay sa kanilang imbestigasyon dalawang suicide bombers ang naglagay ng bomba sa lugar.

Kabilang naman aniya sa mga nasugatan ay limang pulis at limang sibilyan.


Aniya, hindi pa malinaw kung sino ang nasa likod ng pagsabog.

Nabatid na ang indonesia ay kilalang most populous Muslim country sa mundo.

DZXL558

Facebook Comments