Tatlo patay sa Search Warrant operation ng kapulisan sa Lambayong

7

Patay ang Tatlo katao kabilang na ang isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa isinagawang Search Warrant ng mga otoridad, makaraang manlaban umano sa inilatag na drug raid operation sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat mula kay P/S.Supt. James Gulmatico ang Provincial Director ng Sultan Kudarat PNP, ikinasa ang operasiyon alas-2:00 ng madaling araw kahapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina MILF Kumander Randy Kamid; Yussop Mokalam, isang Punong barangay at Jaime Silongan na lahat ay dead on arrival na hospital.
Bitbit ng mga otoridad ang labing anim na search warrant laban sa mga suspek na sina Randy Kamid, Musaid Kandatu, Yussop, Mokalam, Jaime Silongan, ang Search Warrant ay pirmado ni Hon. Judge Alandrex Betoya, RTC Branch 16, na nakabasi sa bayan ng Kabacan, cotabato dahil sa paglabag sa RA 9165, RA 10591 at RA 9516.(Report from Jessie Ali).

Facebook Comments