Tatlo, sugatan sa sunog sa Delpan Bridge sa Tondo, Maynila

351

Tatlo ang sugatan sa nagpapatuloy na sunog sa Delpan Bridge sa Tondo, Maynila.

Isang oil truck at maliit na cargo vessel na MV Titan 8 ang partikular na tinutupok ngayon ng apoy.


Nagsimula ang sunog pasado alas-8:51 ng umaga na ngayon ay umabot na sa ikatlong alarma.

Patuloy naman na inaapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang apoy.

Facebook Comments