Tatlo, tiklo sa anti-drugs operations sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong katao matapos magsagawa ng anti-illegal drugs operation sa Barangay Sauyo, Quezon City.

Ayon kay QCPD station 4 PCP sauyo team leader, Sr/Insp. Dennis Francisco – nakumpiska sa mga suspek ang pitong plastic sachet ng shabu, pera at drug paraphernalia.

Sinabi ni Francisco – napapadali na ngayon ang kanilang operasyon dahil ikinakanta ito ng ilang kasamahan ng mga suspek na unang naaresto.


Nahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.
DZXL558

Facebook Comments