Tatlong babaeng drug pushers, arestado sa buy-bust operation sa Muntinlupa

32

Timbog ang tatlong babaeng nagtutulak ng shabu matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila sa Muntinlupa City.

Nakilala ang mga suspek na sina April Joyce Miralles Ballesteros, 20-anyos; Meynard Vivo Solema, 43-anyos; at Joma Gutierrez Solema, 23-anyos.

Nakuha mula sa kanila ang 1.5 grams na umano’y shabu at may katumbas na halagang P10,200. At P200 na buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon pasado alas-6:40 kagabi sa San Guillermo Purok 5, Barangay Bayanan, Muntinlupa City nang makumpirma ang kanilang pagbebenta ng ilegal na droga.

Nakakulong na ang mga ito sa Muntinlupa PNP Custodial Facility at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments