Tatlong bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Mandaluyong City

31

Nakapagtala ng tatlong panibagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.

Batay sa datos ng Mandaluyong City Health Office (CHO), ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Barangay Addition Hills, Barangay Barangka Drive at Barangay Hagdang Bato Libis.


Isang bagong COVID-19 patient din mula sa Barangay Barangka Drive ang naitalang nasawi.

Sa kasalukuyan, nasa 632 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod kung saan 54 dito ang nasawi at 227 ang nakarekober.

Umabot naman sa 1,480 ang bilang ng suspected cases at 388 ang probable cases.

Dahil dito, pinayuhan ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong ang publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols at precautionary measures para mapababa na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments