Tatlong bayan at isang lungsod sa Cotabato Province, apektado na ng ASF

109

40 ngayon sa Kidapawan City ang kumpirmadong tinamaan ng African Swine Fever (ASF).


Ayon kay Department of Agriculture (DA) Region 12 Executive Director Arlan Mangelen, ito ay makaraang magpositibo sa ASF ang blood samples na kinuha mula sa hog raisers sa Barangay Linangcob.

Nabatid na nasa 324 na baboy ang isinailalim na sa culling sa Barangay Linangcob, batay na rin sa protocol ng DA.

Dahil sa insidente, nasa apat na lugar sa Cotabato Province ang apektado ng ASF.

Ito ay ang mga bayan ng Magpet, Arakan, President Roxas, at Kidapawan City.

Facebook Comments