
Muling nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagbili at pagkain ng mga shellfish.
Ito’y matapos na magpositibo sa red tide toxin ang mga baybayin ng Leyte sa Leyte; Matarinao Bay sa Silangang Samar at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
Positibo rin sa paralytic shellfish poison ang mga coastal water ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province.
Dahil dito’y hindi ligtas para sa pagkonsumo ng tao ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na nakalap mula sa mga lugar na nabanggit.
Gayunman, ligatas namang kainin ng tao ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta’t ito ay sariwa pero kailangan tanggalan ng bituka at hasang at saka hugasang maigi bago lutuin.
Samantala, negatibo na mula sa nakakalasong toxic red tide ang coastal water ng Milagros sa Masbate.