Tatlong drug suspects kabilang ang ang isang menor de edad, arestado sa buy bust operation sa Pasay

Natimbog ang isang babaeng nasa drug watchlist ng Pasay Police Station sa isang buy bust operation.

Kinilala ang mga arestado na si Rodora Novencido, alyas “Dorai”, 39-anyos, at Bryan Nietes, 41-anyos, at isang menor de edad na babae.

Sina alyas ‘Dorai’ at ‘Bryan’ ay parehong nasa drug watchlist ng Pasay PNP at matagal nang target na malamabat ng mga anti-drugs operatives.


Ilang buwan ding kinumbinsi ng isang posuer buyer ng Station anti-drug unit ng Pasay PNP ang dalawa bago nagkasundong magkita sa No. 2525 Tramo St., Brgy. 60, Zone 7, Pasay City.

Nakumpiska sa mga drug suspects ang shabu na may timbang na 4.76 grams na may estimated value na P32,368 at 1.53 grams ng marijuana.

Facebook Comments