Tatlong drug suspek, huli matapos makuhaan ng ₱3.57 milyong halaga ng shabu

386

Nakakulong na ngayon ang tatlong drug suspek at nahaharap na sa kaso matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa barangay Guadalupe, Cebu City.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig. Gen. Rhoderick Augustus Alba, ang mga nahuling suspek ay sina Iveen Migabon Pedrano, 23 anyos; Eugene Belamia Arces, 22 anyos at Bernadeth Malubay Baslag, 23 anyos.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang mga naarestong drug traffickers ay kabilang sa regional level watchlist.


Nakuha sa kanilang pag-iingat ang ₱3.57 milyong halaga ng shabu.

Nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments