Tatlong hinihinalaang drug pushers, timbog sa Taguig City

54

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Taguig City Station Drug Enforcement Unit ang tatlong hinihinalaang tulak sa iligal na droga matapos na maaresto sa Labao St. Purok 5, Barangay Napindan, Taguig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Iman Disomnong , 41 anyos, Joselito Santos, 54 anyos at Jerome Morales, 24 anyos.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Taguig PNP, nagsasagawa ng pagpapatrolya ng mga tauhan ng Sub Station 5 ng Taguig PNP nang maispatan ang mga suspek sa naturang lugar na may kahinahinalang kilos agad na sinita at nakuha sa kanilang pag-iingat ang 3 pirasong transparent plastic sachet na may lamang pinghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 9 na gramo na nagkakahalaga ng ₱61,200.00.


Sinampahan na ang mga suspek ng kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments