Tatlong hinihinalaang pusher, arestado sa Las Piñas City

36

Timbog ang tatlong mga pinaghihinalaang tulak sa iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa West Side Parking SM South Mall Brgy. Almanza 1 Las Piñas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Daisy Usman, Yasmin Balading at Joselito Castillo kung saan nakumpiska sa kanila ang 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.4 milyon, 1 cellphone, 1 kotse at buy-bust money.


Batay sa imbestigasyon ng Southern Police District, matagal nang sinusubaybayan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bulacan Provincial Office, PDEA Laguna, PDEA NCR at Southern Police District Office at nang makumpirma ang transaksyon ng mga suspek ay agad na ikinasa ang buy-bust operation.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments