Tatlong hinihinalaang tulak sa iligal na droga, timbog sa Rodriguez, Rizal

29

Kalaboso ang tatlong hinihinalaang drug pusher makaraang maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Blk. 5 Lot 22 Alcantara Street, Montevista Subd. Litex, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang mga suspek na sina Ailyn Darlucio y Florentino aka Alen; Vincent Orantoy y Bayot aka Vincent at Dingco Lazarte y Ortiz aka Ike.


Ayon kay Rizal Provincial Police Office P/Capt. Juan Carlo Porciuncula nagsagawa ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit at Provincila Drug Enforcement Unit ng buy-bust operation sa pakikipagtulungan ng PDEA 4A na nagresulta sa pagkaka-aresto ng naturang mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang 16 pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 5 gramo,na nagkakahalaga ng P34,000.00;1 pirasong pouch;1 pirasong P500.00 peso bill na ginamit bilang marked money; at 3 pirasong tig-P100.00 peso bill ang narekober na pera.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments