Tatlong holdaper – arestado matapos mambiktima ng magkasintahan sa Rosario, Pasig City

61

Pasig City, Philippines – Arestado ang tatlong holdaper matapos mambiktima ng magkasintahan sa Rosario, Pasig City.

Sa ulat, ala-una ng madaling araw habang naglalakad sa Ortigas extension sina alyas Mark at girlfriend ng hintuan ng tricycle saka sila tinutukan ng bolo sabay deklara ng holdap.

Tiyempo naman nagroronda ang mga barangay tanod kaya’t nasakote nila ang mga tatlong suspek na sina Romeo Avelino Jr., Jovan Tepoc at JR Torrecampo subalit nakatakas ang dalawang kasamahan ng mga ito.

Depensa ng suspek na sina Avelino at Tepoc, nadamay lang sila at ang tricycle driver na si Torrecampo lang ang siyang pasimuno sa krimen.

Desidido naman ang mga biktima na sampahan ng kaso ang mga suspek habang pinaghahanap pa rin ang mga nakatakas na kasamahan ng mga ito.
DZXL558

Facebook Comments