Tatlong impeachment complain laban kay Vice President Leni Robredo, posibleng isampa sa susunod na buwan

24

Manila, Philippines – Tatlong reklamong impeachment ang posibleng isampa laban kay Vice President Leni Robredo sa susunod na buwan.

Sabi ni PBA Rep. Jericho Nograles, batay sa unang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez – pwedeng madagdagan pa ang mga ihahaing reklamong impeachment sa muling pagbubukas ng sesyon ng kamara sa July 24.

Kahit na hindi pa alam ni Nograles kung sino-sino ang mga nagpa-planong maghain ng impeachment complaint laban kay Robredo, posible naman aniyang maisampa ito sa Agosto.

Isa pa, hindi pa rin niya alam kung ano ang mga batayan ng ihahaing reklamo.

Nilinaw din ni Nograles na hindi niya i-e-endorso ang dalawang impeachment complaint laban sa bise president na una nang inihain sa kamara.

Facebook Comments