Tatlong indibidwal, arestado dahil sa paglalaro ng majong at makuhaan ng droga sa Makati City

144

Hinuli ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang tatlong indibidwal matapos maaktuhang naglalaro ng majong sa Yabut St., Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Christopher Filomeno, 25-anyos at residente ng Cebu St., Brgy. Pitogo, Makati City, John Patrick Laña, residente ng Chico St., Makati City at Reyshel Velasquez, 18-anyos, residente ng Manuyo Dos, Las Pinas City.


Sa ulat ng Makati PNP, nagpapatrolya sila sa area nang magsumbong ang isang concerned citizen sa nangyayaring ilegal na sugal sa lugar kaya agad silang rumesponde.

Pero papalapit palang sila sa area ay nakatunog na ang mga sugarol kaya agad nagpulasan ang mga suspek ngunit naabutan ang mga ito ng mga pulis.

Kinapkapan ang mga ito at nakuha ang dalawang sachet ng shabu na umaabot sa pitong gramo at may estimated street value na P4,760.

Sa ngayon, nahaharap na ang tatlo sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 at Section 11 Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




Facebook Comments