Tatlong indibidwal, arestado sa iligal na droga sa Quiapo, Maynila

31

Hindi na nakapalag pa ang tatlong indibdwal ng masakote sila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 3 sa ikinasang operasyon sa Quiapo, Maynila.

Partikular na isinagawa ang operasyon sa Carlos Palanca Street kanto ng Muelle dela Quinta.


Nakilala ang mga nadakip na sina Lalon Mangoda, isang tricycle driver na residente ng Quiapo, Rochiel Tapñio at Ruth Figuirres na pawang mga taga-Sampaloc area.

Nabatid na ikinasa ang operasyon ng mga otoridad ng makatanggap ng impormasyon na magsasagawa ng transaksyon ang tatlo hinggil sa iligal na droga.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng shabu na may bigat na 16 na gramo at nagkakahalaga ng P108,800.

Facebook Comments