Tatlong justices ng Court of Appeals, inisyuhan ng show cause order ng Kamara

48

Manila, Philippines – Nag-isyu ngayon ng show cause order ang Kamara laban sa tatlong mahistrado ng Court of Appeals na nag-isyu ng released order para sa tinaguriang Ilocos 6.

Ayon sa Kamara, kailangang magpaliwanag sina acting Presiding Justice Stephen Cruz, Justice Nina Antonina-Valenzuela at Justice Erwin Sorongon kung bakit hindi sila dapat i-cite in contempt dahil sa pakikialam ng mga ito ng proseso sa Kongreso.

Sinabi ng mga mambabatas na walang hurisdiksyon ang CA sa House of Representatives bukod pa sa paglabag ito sa doctrine of separation of powers.

Tinawag din ng mga mambabatas na grossly immoral at unethical ang ginawa ng tatlong mahistrado ng CA.

Paliwanag ng Kamara, ang contempt order ng isang komite ay katumbas ng contempt ng buong Kamara.

Facebook Comments