Tatlong kalalakihan, nahulihan ng iligal na droga sa Quezon City

38

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlo g kalalakihan matapos na mahulihan ng iligal na droga sa Salalia Street, corner M. Gregorio, Barangay Milagrosa, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jon-jon Escaño, Marlon Solmarin, at John Seno.


Batay sa isinagawang imbestigasyon, nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng QCPD na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang limang pirasong transparent plastic na may lamang pinaghihinalaang shabu, P500 na ginamit bilang buy-bust marked money, tatlong piraso ng P100 bill at tatlong cellphones.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments