Tatlong Kataong Wanted sa Batas, Arestado sa Magkakahiwalay na Paghahain ng Warrant of Aresst ng Kapulisan sa Lambak ng Cagayan!

40

Cagayan Valley- Arestado ang tatlong kalalakihang wanted sa batas sa magkakahiwalay na paghahain ng warrant of arrest ang panig ng kapulisan sa lambak ng Cagayan kahapon, Oktubre 3, 2018.

Batay sa impormasyong ipinarating ng Police Regional Office (PRO2) sa RMN Cauayan News Team, Una rito ay dakong alas dyes bente kahapon ng isilbi ng PNP Bugueyang mandamyento de aresto kay Larry Sajor Sindol Jr., 22 anyos, walang asawa at residente ng Buguey Cagayan dahil sa kasong pagnanakaw.

Dagdag pa rito, bagsak kulungan din si Alfredo Acasio Carino, nasa hustong gulang, magsasaka at residente ng Brgy. Alunan, Quezon, Isabela dahil naman sa kaso naman nitong panggagahasa habang alas kwatro kwarenta’y singko naman kahapon ng madakip din ang akusadong si Armando Habla Lavandero, 65 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Bannawag Norte , Santiago City sa kasong Estafa.

Ang mga naturang akusado ay agad namang dinala ng mga otoridad sa himpilan ng kapulisan para sa kanilang dokumentasyon at nakatakdang patawan ng kaparusahan.

Facebook Comments