Tatlong lalaki, huli sa buy-bust operation sa Muntinlupa City

28

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong lalaki matapos ang kanilang ikinasang buy-bust operation sa Buendia Street, Barangay Tunasan, Muntinlupa City.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Meliton Bombasey Bonecelis, 55-anyos, Panchito Bombase, 23-anyos at Jaime Tiu De Leon Jr., 48-anyos.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), ikinasa nila ang buy-bust operation matapos makumpirmang may illegal drug transactions sa lugar.

Nahuli ang tatlo at nakumpiska ang nasa 1.2 gramo na shabu na may tinatayang halaga na mahigit P8,000.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments